Balik-Eskwela Ngayon, Dream College Plan Para sa Bukas


July 24, 2026


Tuwing magbabalik eskwela, muling nabubuhay ang sigla ng bawat tahanan. Abala ang mga magulang sa pagbili ng uniform, school supplies, at mga gamit na kailangan ng kanilang mga anak. Habang ang mga estudyante naman ay excited na makitang muli ang kanilang mga kaklase at guro, dala ang panibagong pag-asa at mga pangarap.

Bilang mga magulang, ginagawa natin ang lahat upang maibigay ang magandang kinabukasan para sa ating mga anak. Ngunit habang pinaghahandaan natin ang kanilang pangangailangan sa kasalukuyan, mahalaga ring pag-isipan ang mas malaking hamon, ang kanilang edukasyon sa mga darating na taon.

Hindi lingid sa ating kaalaman na taon-taon ay tumataas ang halaga ng edukasyon. Habang lumalaki ang ating mga anak, kasabay ding lumalaki ang gastusin para sa kanilang pag-aaral, lalo na pagdating sa kolehiyo. Kaya mas mabuting magsimulang magplano habang maaga.

Dito nagiging mahalaga ang pagkakaroon ng educational plan, tulad ng Dream College Plan ng Paramount. Isa itong paraan upang mas maging handa ang pamilya sa mga gastusin sa edukasyon at makatulong sa pagtupad sa pangarap ng anak na makapagtapos ng kolehiyo.

Bukod sa pagtulong sa paghahanda para sa pag-aaral ng iyong anak, may mga benepisyong dinisenyo ang Dream College Plan upang suportahan ang kanilang educational journey:

  • College Cash Benefits – cash benefits na maaaring magamit sa tuition fees, libro, school supplies, o daily allowance.

  • Guaranteed Graduation Gift – isang guaranteed cash benefit na matatanggap nila na maaaring gamitin pagkatapos ng graduation.

  • Life Insurance Benefit – financial support sa pamilya sakaling may mangyaring di inaasahan.

Sa pamamagitan ng maagang pagpaplano, hindi lamang natin tinutulungan ang ating mga anak na maabot ang kanilang mga pangarap. Binibigyan din natin sila ng mas matatag na pundasyon para sa kanilang kinabukasan.

Ngayong balik-eskwela, bukod sa paghahanda ng kanilang baon at school supplies, isipin din ang paghahanda para sa mga susunod na yugto ng kanilang pag-aaral.

Dahil ang edukasyon ay hindi lamang gastos. Ito ay isang investment na magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa ating mga anak.

Sa bawat unang araw ng klase, tandaan natin ang pinakamagandang regalo na maibibigay natin sa kanila ay hindi lamang ang bagong bag o bagong notebook, kundi ang kapanatagang may plano para sa kanilang kinabukasan.

Magsimula ngayon sa pagbuo ng mas panatag na kinabukasan para sa iyong anak. Visit https://www.paramountdirect.com/comprehensive-insurance/dream-college-plan 


Back