Ang Pagmamahal ni Nanay, Deserve ng Habambuhay na Proteksyon


May 8, 2026


Isang kwento mula sa anak na natutong magplano nang mas maaga


Buong buhay ni Nanay, pamilya ang lagi niyang inuuna. Sa mga simpleng araw-araw na gawain hanggang sa pinakamabibigat na pagsubok, andiyan siya palagi, sinisigurong lahat kami ay ligtas, malusog, at suportado. Siya ang sandigan namin.


Pero ngayong Mother’s Day, napaisip ako: Sino ang nag-aalaga kay Nanay?


Pagbabago sa mga Health Needs


Habang tumatanda ang ating mga magulang, natural lang na nagbabago rin ang kanilang pangangailangan sa kalusugan, at mas ramdam ko na ito ngayon.


Mas mahalaga na ang regular check‑up. Hindi na dapat ipagpaliban ang mga tests. Yung simpleng sakit dati na tinitiis lang, ngayon kailangan na talagang bigyan ng pansin. Hindi ito biglang nangyayari, unti-unti. Pero siguradong darating.


Tulad ng maraming pamilya, dati iniisip ko na “saka na lang” hanggang may mangyaring hindi inaasahan. At kapag nandiyan na, biglaan ang desisyon, puno ng emosyon, at kadalasan, magastos.


Doon ko na-realize: Mas mapayapa ang loob kapag handa.


Bakit Malaking Tulong Maagang Pagpaplano 


Natutunan ko na ang health insurance ay hindi lang para sa emergency. Para sa mga magulang na tumatanda, ito ay para sa araw‑araw na pangangalaga at pangmatagalang kalusugan.


Kapag may tamang coverage:


  • May suporta para sa regular check‑ups at preventive tests

  • Mas maagang natutuklasan ang sakit, kaya mas epektibo ang gamutan

  • May access sa mga pinagkakatiwalaang doktor at ospital

  • Mas kaunting alalahanin sa pera, kaya ang desisyon ay base sa alaga, hindi sa gastos


Kapag handa na ang coverage, mas nakakapag-focus ako sa comfort ni Nanay, hindi sa bills o gastos.


Isang Eksena na Pamilyar sa Maraming Pamilya


Minsan nagsisimula lang sa isang check‑up. Susundan ng tests. Mas madalas na ang mga appointment.

Bigla mong mapapansin na bahagi na ng pang-araw‑araw ang pag-aalaga sa kalusugan niya.


Doon ko nakita ang malaking difference ng may health coverage. Kapag meron, malinaw ang mga susunod na hakbang. Kapag wala, nade-delay ang gamutan at limitado ang choices dahil sa budget. At hindi lang pera ang epekto, emosyonal din.


Mga Praktikal na Bagay na Inalala Ko sa Pagpili ng Health Coverage para kay Nanay


Nang magsimula akong maghanap ng health insurance para kay Nanay, ito ang mga naging priority ko:


  • Mga benepisyong naka-focus sa prevention, hindi lang sa emergency

  • Mga ospital na malapit at pamilyar

  • Coverage na sakto sa edad at nagbabagong pangangailangan niya

  • Pagpaplanong maaga, kasi mas maraming options habang maaga


Mukhang simple lang ang mga ito, pero kapag dumating ang panahon na kinakailangan, malaking tulong sila.


A Thoughtful Gift na Pangmatagalan


Ang Mother’s Day ay araw ng pasasalamat. Pero na-realize ko na ang pinakamahalagang regalo, hindi laging materyal.


Ang pagpili ng health coverage ay paraan ko ng pagsasabi kay Nanay na: “Ma, mahalaga rin ang kalusugan mo.”


Hindi ito dahil may inaasahang mangyayaring masama. Ginagawa ko ito dahil ganito ang totoong buhay, at gusto kong handa kami.


Ngayong Mother’s Day, pinili ko ang regalong may pangmatagalang halaga: kalusugan, seguridad, at peace of mind para sa Nanay na buong buhay akong inalagaan.



Learn how Paramount can help protect your Nanay. Visit www.paramountdirect.com


Back